Pretty Tumblr Themes

little miss snow white


Pwede magrant? :) 

Kanina, nakuha namin ng batchmates ko yung graduation pictures namin. Finally. After more than 5 months. 

I was craving for fries, as usual, so nag McDo kami ni BB sa Rob.

Now, I chose the table na closest sa counter, yung sa may wall. Sa part ng counter na yun, merong nakadisplay na toys. Ano ba tawag dun, happy meal toys? Or sa Jollibee ba yun? HAHA anyway, basta yung toys. Pokemon yung featured collection ngayon.

Now, we were seated facing the counter. Yung framed graduation pictures and bag ko, andun sa upuan na katabi nung nakadisplay na toys. 

Then, merong bata and babae (I’m assuming na nanay nya) na tumayo sa may table namin and tumitingin sila ng toys. Namimili yung bata kung anong gusto nya. Tapos, may dumating na isa pang bata. Kapatid siguro nung naunang bata na namimili ng toys. 

Now, itong bata na bagong dating, bigla na lang umangkas dun sa upuan. Kung saan ko nilagay yung graduation pictures namin ni BB. Kahit gusto ko hatakin yung bata palayo, I did not dare kasi andun yung nanay. I was expecting na pipigilan nya kasi DUH OCCUPIED YUNG TABLE. ANO KAMI INVISIBLE?

EH PESTE. HINDI NYA PINIGILAN. BB tried to stop the stupid kid, but too late. CRACK!

Nabasag na yung frame nung picture ko. 

For ilang seconds ata, wala akong reaction. Pero literal, uminit yung mukha ko. Nagpalpitate ako. Mainitin ang ulo ko, pero for some reason, parang 10x as bad ang mood swings ko these days.

I waited. Baka mag sorry, or magoffer na magbayad para mapalitan ko yung frame. Di ko naman tatanggapin if ever magbigay sila ng money. I know they need it more. LOL. 

Eh kaso, wala. Walang apology. Bigla lang hinatak nung babae yung bata, saying “hala ka” then umalis na sila. 

Di ko na napigilan. I yelled “SORRY!” 

Natigilan yung cashier sa harap ko, pati yung manager na nagbibilang ng pera. Pati yung isa pang babae na umoorder ng food. Pero wala akong pakialam. Sa tindi ng galit ko, parang kaya ko pumatay. 

Yung gagang babae, sarcastic na sumagot sa akin ng “sorry!” Di nakaharap sa akin, sa counter nakaharap. 

Nagdilim paningin ko. Gusto ko sumugod pero I told myself na she’s not worth it. 

BB offered to talk to the woman. Gusto pagbayarin ni BB kasi kahit di magsorry (na mukhang di mangyayari), di naman daw pwede na hayaan lang. Kaso ako naman, wala akong pakialam sa pera. Gusto ko mag apologize sya sa akin…and maybe dilaan yung slippers ko. HAHA 

Anyway, hinayaan ko na lang si BB. In the end, the woman gave BB P200 for the ~damages~. And sya pa ang galit, as if pineperahan namin sya.

LOL. Utang na loob ate. 

Anywayyy, I decided to finish my food na agad para makadaan ako sa table nila and makapagparinig…kaso ang bilis nila natapos kumain. 

Grabe. Kung nagsorry lang talaga siya sa akin in the first place, di ako nagwiwish ngayon na sana nakaladkad siya ng 16 wheeler truck pagtawid nya somewhere. 

Wala akong pakialam sa pera niya. Hindi ko naman pababayaran yun kung nagsorry lang sya. 

Pasalamat sya andun si BB. Kundi baka kung ano na ang inabot nya sa akin. Kawawang mga bata, pano na lang sila paglaki nila kung ganon ang nanay nila. Bastos. Malamang paglaki, mga asal kalye din. 

GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR! 

Sorry kung may typo. Sa inis ko, type lang ako nang type. HAHA 

I know ako ang nagmumukhang masama sa entry na to, but believe me. Kahit si BB, na isa na ata sa pinaka understanding and malumanay na tao na kilala ko, uminit din ang ulo after this incident. Sobrang nakakapanghina na ewan.  

2 notes
Tagged as: personal,
  1. adifferentkindofpain said: Buti naman nagbayad. Kaso better siguro kung nag-apologize sincerely kesa sa nagbigay ng pera eh. Pati ako nabadtrip nung nabasa ko. Hahaha.
  2. jaejoonged said: zomg Ate Tin DD: some people don’t really have manners D:
  3. spellfuchsia posted this


"Girls are like apples on trees. The best ones are at the top of the tree. The boys don't want to reach for the good ones because they are afraid of falling and getting hurt. Instead, they just get the rotten apples from the ground that aren't as good, but easy. So the apples at the top think something is wrong with them, when in reality, they're amazing. They just have to wait for the right boy to come along, the one who's brave enough to climb all the way to the top of the tree."

blog blog blog
MySpace Tracker

Free Counters from SimpleCount.com



Following: